Saturday, April 28, 2007

Sino ba talaga, mga Kuya?

Isang araw, nag-uusap yung dalawang mag-kaibigan, si Joey at si Mark...
Joey: Alam mo, Mark, talagang napaka-bobo ng boy naming si Pedro.
Mark: Wala 'yan! Sinisiguro ko sa iyo, mas bobo 'yung boy naming si Jose.
Nagtalo silang dalawa...

Joey: O sige, patutunayan ko sa iyo ha. Watch this! PEDRO, 'ALIKA RITO!
Pedro: Yes sir! What can I do to you?
Joey: Eto piso, bumili ka ng apat na case ng beer.
Pedro: Yes boss! Coming up!
Joey: O Mark, bilib ka na ba sa kabobohan niyan, piso-bibili siya ng apat na case ng beer.
Mark: Wala pa rin iyan kay Jose, ikaw naman ang manood...JOSE, 'ALIKA RITO SANDALI!
Jose: Yes Sir! Ano po iyon?
Mark: Pumunta ka sa opisina ko, tingnan mo kung nandoon ako...
Jose: Yes Sir! Pupunta na po ako!
Mark: O Joey, kita mo naman na mas bobo pa iyan kaysa kay Pedro....

Later, nagsalubong yung dalawang boy...
Pedro: Jose, alam mo ang bobo talaga ng amo kong si Sir Joey...
Jose: Wala iyan...mas bobo si Boss Mark ko.
Pedro: Hinde! Mas bobo si Sir Joey, isipin mo, binigyan ako ng piso para bumili ako ng APAT na case ng beer...

e, alam naman niyang HINDI KO KAYA BUHATIN IYON NANG MAG-ISA!
Jose: Mas bobo naman si Boss Mark noh! Pinapupunta pa ako sa opisina niya para tingnan kung nadoon siye...

e, MAY TELEPONO NAMAN!

No comments: