Saturday, April 28, 2007

More Pinoy Jokes

Babae: Doc, kumusta na ang asawa ko?
Doc: Sorry ma'am. Mula ngayon, ikaw na ang magpapakain at magpapaligo sa
kanya, kasi putol na ang kanyang mga kamay at paa.
Babae: Hah?! Hindi nga?!
Doc: Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!
============ ========= =====
Amo: Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan. Ito ang listahan ng
mga favorite nyang pagkain.
Maid: Opo, sir.
Amo: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!
============ ========= =====
Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.
============ ========= =====
Juan: Inay, si Pedro, hindi ako pinagkape sa burol ng tatay nya.
Nanay: Hayaan mo anak, kapag namatay ang tatay mo, hindi rin natin sya
pagkakapehin.
============ ========= =====
Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit?
Son: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?
Son: Opo, pogi po sya eh.
============ ========= =====
Husband: When I get mad at you, you never fight back. How do you control
your anger?
Wife: I clean the toilet bowl.
Husband: How does that help?
Wife: I use your toothbrush.
============ ========= =====
Binata: Ale, liligawan ko po ang anak nyo.
Ale: Huwag muna. Nag-aaral pa sya.
Binata: Sige po, kapag uwian na lang nila.
============ ========= =====
Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas!
Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis eh.

Another post by jigzman, thanks for sharing! xD

No comments: