Friday, December 26, 2008

Pinoy Action Movie

Ano ba ang Pinoy Action Movie?

Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti:

Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay,tatay, ate, kuya, kinakapatid,
kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo,lola,
ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa
talampakan, ninuno)

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng
mga nag-iinumang istambay.

Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal,
binyag, burol)

Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan,
pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
Lagi itong may mga uto-utong tauhan o "mga bata".
At laging naka-jacket kahit tanghaling tapat kadalasan pa ay mga itim na leather jackets.

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay, at madalas pa dito na rin nangyayari yung final bakbakan scene.

Lagi ding may eksena sa isang beer house.

May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa
Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman eh kayang-kaya nitong patumbahin.

Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin,ikukulong lang muna.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril .... mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.
Kahit ano sumasabog pag binaril. Pati puno, sumasabog.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya. Laging sa lupa tumatama ang bala ng kaaway.

Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang ...hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida.

Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

Kung mamamatay man ang isa sa kanila eh makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

Huli darating ang maraming pulis ... at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!

PELIKULA NGA TALAGA!!!

No comments: